Archive for the ‘Musings’ Category

Noong panahon natin na tayo’y mga bata pa, hindi man natin naranasan na magkaroon ng cellphone at iba pang mga modernong teknolohiya na meron na ngayon, ay maraming mga simpleng bagay naman na meron tayo na kaya nang magpasaya sa atin.

Ilan dito ay ang mga sumusunod:

  1. Ubos na agad ang oras natin kapipitas ng gumamela at pag-dikdik nito para ihalo sa Tide para gawing pa-lobo.
  2. Tuwang-tuwa na tayo na manghuli ng tutubi o salagubang at talian ng sinulid para gawing instant boka-boka. 
  3. Ang Game ‘n Watch na wala namang variation kundi pabilis lang nang pabilisin ang laro ay sobrang enjoy na tayo dito at minsan ay naidadala pa sa classroom para ipahiram sa classmates mo na gustong higitan ang score mo.
  4. Makakita ka lang ng rewinder ng Betamax o VHS player na mukhang kotse, aliw na aliw na tayo kaya dapat meron sa bahay nito. Dahil din ang hassle magpa-rewind ng tape kahit may ‘rewind’ ang player. 
  5. 2 Piso lang ang babayaran mo, makakadaan ka na sa express way papuntang Maynila para makapag liwaliw at bulakbol kasama ng barkada mo.
  6. 3 bente-singko lang ang kailangan para matawagan si Aida o si Lorna o si Fe. 
  7. Tansan lang at ilang straws ng softdrink, enjoy na ang tropa sa larong sipa.
  8. Dumilim man ang ulap at bumuhos ang kalangitan, considered okay na maligo sa ilalim ng ulan.
  9. Laking tuwa na natin dahil kahit mga murang chichiria, may libreng mga laruan sa loob nito na kailangan lang ng goma o tubig.
  10. Para sa Channel-7, ang Sabado ay araw para sa mga bata dahil sa dami nang children’s shows at cartoons. 

At sa panghuli—

🎼”Simpleng buhay ay kay ganda

Mayroong ngiti

Mayroong saya

Walang hindi magagawa

Lalo na’t simple ka

Sama-sama magkaisa

Kahit maging sino ka pa

Lahat ay ‘di ba’t kay dali

Ganyan ka lang sana” 🎼

(mula sa kantang “Simple Lang”  ni Ariel Rivera)

Advertisements

Yes to war on traffic and bad motorist behavior that spawns traffic in the first place 😡😡😡